poetry

ANG GERILYA AY TULAD NG MAKATA


Ni Jose Maria Sison

Ang gerilya ay tulad ng makata
Matalas sa kaluskos ng mga dahon
Sa pagkabali ng mga sanga
Sa mga onda ng ilog
Sa amoy ng apoy
At sa abo ng paglisan.

Ang gerilya ay tulad ng makata
Nakasanib sa mga puno
Sa mga palumpong at rokas
Nakakaalangan subalit tumpak
Bihasa sa batas ng paggalaw
Pantas sa laksang larawan.

Ang gerilya ay tulad ng makata
Karima ng kalikasan
Ng sutlang ritmo ng kaluntian
Katahimikang panloob, kamusmusang panlabas
Aserong tibay ng panatag na loob
Na sumisilo sa kaaway.

Ang gerilya ay tulad ng makata
Kasabay ng luntiang, kayumangging masa
Sa palumpong na pinaliliyab ng mga pulang bulaklak
Na nagkokorona at nagpapaalab sa lahat,
Dumadagsa sa kalupaan tulad ng baha
Nagmamartsa sa wakas laban sa kuta.

Walang hanggang daloy ng lakas,
Masdan ang matagalang tema
Ng epikong bayan, ng digmang bayan.

Read more

Sometimes, the Heart Yearns for Mangoes


By Jose Maria Sison

March 30, 1994

Sometimes, the heart yearns
For mangoes where there are apples,
For orchids where there are tulips,
For warmth, where it is cold,
For mountainous islands,
Where there is flatland.

Far less than the home,
And the flow of kith and kin,
Unfamiliar and now familiar
Things and places trigger
The pain of sundered relations,
Of losses by delays and default.

Direct dialing, fax machines,
Computer discs and video casettes
And visitors on jumbo jets,
Fail to close the gap
Between rehearsed appearances
And the unrehearsed life at home.

There are colleagues and friends
That make a strange land loveable.
But they have their routines,
Their own lives to live,
Beyond the comprehension
And pertinence of the stranger.

Those who seek to rob the exile
Of home, kith and kin,
Of life, limb and liberty
Are the loudest to mock at him
Who is helplessly at sea,
Uprooted from his soil.

The well-purposed exile continues
To fight for his motherland
Against those who banished him,
The unwelcomed exploiters of his people,
And is certain that he is at home
In his own country and the world.


Read more

MINSA’Y SABIK ANG PUSO SA MANGGA


Ni Jose Maria Sison
March 30, 1994

Minsa’y sabik ang puso
Sa mangga kung saan ang mansanas
Sa orkidya kung saan ang tulipa
Sa init kung saan maginaw
Sa mabundok na kapuluan
Kung saan ang patag.

Malayo sa tahanan
At daloy ng kaibiga”t kaanak
Ilang at ngayo”y gamay
Na mga bagay at lugar nang-uudyok
Ng kirot sa patid na mga ugnay,
Sa mga kabiguandahil sa antala’t kaligta.

Direk dialing, fax mashin
Komputer disk at video kaset
At mga bisitang lulan ng dyet
Di-kayang paglapitin
Ang inensayong mga pamalas
At di-inensayong buhay sa tahanan.

May mga kaliga at kaibigan
Na nakakaaya sa dinayong lupa
Subalit may sarili silang mga gawi,
Sariling mga buhay
Na lampas sa pagkaunawa
At pakialam ng dayuhan.

Yaong mga nais magkait sa destierro
Ng tahanan, kaibiga’t kaanak,
Ng buhay, katawan at kalayaan
Ang pinakamaingay na mangutya sa kanya
Na lulutanglutang daw sa dagat,
Hugot mula sa kanyang lupa.

Patuloy ang may-layuning destierro
Sa paglaban para sa inangbayan
Sa mga nagpalayas sa kanya,
Ang mga mapagsamanatala sa bayan,
At tiyak niyang siya’y nananahanan
Sa sariling bayan at sa daigdigan.

Read more

ANG TULANG MAY TALIM


Ni Jose Maria Sison

March 1, 1982

Masdan ang tulang may talim
Matibay at sintalim ng labaha
Malamig at kumikinang na pilak
Sa liwanag o sa dilim.

Tingnan kung paano lumilipad
Ang ibong-itim na puluhang
Pinaganda ng mga perlas
Sa matatag at maliksing kamay.

Suriin ang bawat mukha
Sa dahong asero,
Ang mga matipuno’t pinong liyab,
Mga iniukit na gintong larawan.

Sa isang mukha’y mga anakpawis,
Sari-saring may piko at mineral,
Pugon, martilyo at pandayan,
Tubig at batong hasaan.

Araro at kalabaw sa lupa,
Mga talaba sa dagat,
Mga gamit panlilok at pang-ukit,
Mangkok ng asido sa mesa.

Sa kabilang mukha
Ang mga anakpawis pa ring nakatipon
Nakatindig at handang lumaban
Sa likod ng nagniningning na watawat.

Linulubos ng pagbalikwas
Ang mga anyo ng paggawa
At inuudyok ang bagong pagsulong,
Taglay ang matatas na sandata.

Tanganan ang tulang may talim
At paawitin sa inyong mga kamay.
Ang kampilang ito ay agimat
Ng mga mamamayang may potong na pula.

Read more

THE BLADED POEM


By Jose Maria Sison

March 1982

Behold the bladed poem
Tensile and razor-sharp
Cold and glinting silver
In the light or dark.

See how the blackbird
Of a hilt flies
Bedecked with pearls
On the firm mobile hand.

Look at each face
On the leaf of steel,
The virile subtle flames,
Images of incised gold.

On one face are toilers
Varied with pike and ore,
Crucible, hammer and anvil,
Water and whetstone.

Plow and carabao on soil,
The oyster in the sea,
Carving and etching tools,
Bowl of acid on a table.

On the other face
Are the same workmen massed
Upright and poised to fight
Behind the radiant flag.

The uprising completes
The figures of labor
And urges another surge
With the well-versed weapon.

Grasp well the bladed poem
And let it sing in your hands.
This kampilan is a talisman
Of the people in red headbands.

Read more

THE CENTRAL PLAINS


By Jose Maria Sison

15 August 1978

I love the green expanse of ricefields,
The sunlight that strikes it reveals
The myriads of golden beads.
I love the sturdy stand of the canefields,
The sunlight that strikes it reveals
The golden wands of sweetness.
The breeze sweeping the plains carries
The rhythm of toil of peasants and farm workers.
I love the clangor on the road and in shops
As workers make do with some machines.
I love the blue mountains yonder;
They evince hope to all the toilers.

Read more

THE COMING OF THE RAIN


By Jose Maria Sison

15 June 1978

Gathered by the oppressive heat
Heavy clouds darken all beneath
But thunder and lightning proclaim
A new season of growth in the rain.

The wide wind and deepening stream
Race from the mountain to bring
The message in a more intimate way,
The coming of the rain to the plains.

The trees raise their arms to the sky
And dance in a movement so spright.
The bushes raise and blend their voices
With the trees in song and laughter.

The wind sweeps away the fallen leaves
And fans the spark on the stubbly field.
The flames leap and whet the thirst
Of the earth so eager for the water thrusts.

Read more

IN THE DARK DEPTHS


By Jose Maria Sison

10 April 1978

The enemy wants to bury us
In the dark depths of prison
But shining gold is mined
From the dark depths of the earth
And the radiant pearl is dived
From the dark depths of the sea.
We suffer but we endure
And draw up gold and pearl
From depths of character
Formed so long in struggle.

Read more

THE GIANT OAK (tribute to comrade mao zedong)


By Jose Maria Sison

26 December 1993

In the bitterness of winter
The giant oak stands erect,
A hundred years old,
A tower of countless seasons.
The mayflies of summer
Are no match to the oak
And the merciless cold.

He who has departed
But whose spirit lives on
And cannot be exorcised
By all sorts of sorcerers
Is sometimes carved out
From a branch of the oak
In the image of his foes
For rituals to steal
The magic of his name.
There are the kisses of betrayal
On the parchment,
Droning incantations of sacrilege
And myths of infamy
Against his great memory.

When foes are haunted
By his thoughts and deeds
They are in mortal fear
Of the living force inspired
For the bigger battles ahead,
As the light and darkness
Clash in the horizon
And as the best and the worst
Are driven to define themselves.


Read more

Ang Higanteng Roble (Parangal kay Kasamang Mao Zedong)


Ni Jose Maria Sison

26 Disyembre 1993

Sa tindi ng taglamig
Tuwid ang tindig ng higanteng roble
Sandantaong gulang,
Tore ng maraming panahon.
Mga langaw ng tag-araw
Sa roble’y di makapanaig
At sa walang awang lamig.

Kung sino ang pumanaw na
Subalit buhay pa ang diwa
At di kayang pawiin
Ng sarisaring manggagaway
Minsa’y linililok
Sa sanga ng roble
Kawangki ng mga katunggali
Sa ritwal para angkinin
Ang mahika ng pangalan.
May mga halik ng pagkanulo
Sa kasulatan
Umuugong ang paglapastangan
At mga alamat ng paglait
Laban sa dakilang alaala.

Kapag nababagabag ang mga kaaway
Ng kanyang diwa’t gawa,
Mortal ang kanilang pagkatakot
Sa buhay na lakas na pinasigla,
Para sa higit na malalaking labanan,
Habang sa abot-tanaw
Nagtutunggali ang liwanag at dilim
At ang kabutihan at kasamaan
Ay natutulak maglahad.

Read more